Bawat isa naman siguro sa atin ay may pangarap. Noong bata pa nga tayo talagang may maisasagot tayo kapag tinanong kung ano ang gusto natin sa paglaki natin. Nariyan siyempre ang gusto e, maging isang doktor, 'yung iba naman maging isang pulis o sundalo kaya, meron din naman gustong maging isang abogado (ang taas na pangarap) parang tagapagtanggol ba. Ngunit meron din naman ang gusto e, maging isang dakilang guro. Syempre isa na ako sa mga ito. pero mapapansin natin maraming mga taong kung ano 'yung gusto nilang propesyon simula pa noong bata ay karamihan 'di nila sinunod pagtungtong nila ng kolehiyo. Siguro mabibilang lang natin 'yung mga taong talagang simula pa ng bata e, yun na talaga ang ninanais nilang propesyon hanggang sa kolehiyo. At aaminin ko, isa ako sa mga ito. Mula pa noong nasa elementarya pa lamang ako hanggang sa nang mag-hayskul ako, pagiging isang guro na talaga ang nais ko sa aking buhay. Ngayon nga na nasa kolehiyo na ako, kumukuha ng kursong edukasyon at sa BIYAYA ng DIOS e, nasa ikatlong taon na ako at alam kong konting tiis, sipag at tiyaga na lamang at makakatapos din ako ng pag-aaral. Kahit pa sabihin pa ng ilan na cheap ang kinuha kong kurso, mababa ang sahod sa propesyong ito, hindi ko sila iintindihin dahil alam ko sa sarili ko na simula pa'y talagang pagiging isang guro na ang nais ko. Alam kong sa propesyon na ito ako magiging masaya. Para sa akin nga walang papantay sa isang gurosapagkat ayon nga sa isang statement na "A teacher is someone who takes your hand, opens your mind and touches your heart". Kaya malinaw sa akin na ang isang guro ay hindi lamang sa pagtuturo magaling kundi pati sa paghulma at pagbuo ng pagkato ng isang mag-aaral. Dahil doon, masaya at pinagmamalaki kong sabihin na ito ang aking pangarap, ang maging isang guro, in English, I am happy and I am very proud to say that this is MY DREAM, to be a TEACHER.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento